19-ANYOS NA LALAKING PAPATAWID SA KALSADA, NABANGGA NG KOTSE!
August 22, 2023
19-ANYOS NA LALAKING PAPATAWID SA KALSADA, NABANGGA NG KOTSE!

Bumaba mula sa sinasakyang motorsiklo ang lalaking ito sa Barangay Bonuan Gueset, Dagupan City. Naglakad siya sa kalsada para pumunta sa kabilang kanto nang biglang nasalpok siya ng papadaang kotse.

Napuruhan ang paa ng biktima kaya humandusay ito sa kalsada. Mabilis na tumakas ang driver ng kotse matapos niyang mabundol ang biktima.

Nakilala ang biktima na si Rick Rommel Ubando, 19-anyos. Aminado ang biktima na nakainom siya ng kunti nang mangyari ang aksidente. Natunton naman ng barangay ang driver ng kotse sa tulong ng ilang bystander. Hindi na magsasampa ng kaso ang pamilya ng biktima dahil nangako ang driver ng kotse na tutulong sa pagpapagamot ni Rick.
