9-ANYOS NA BATA SA PANGASINAN, P.A.T.A.Y MATAPOS MAHULOG SA PUNO NG CAIMITO!

9-ANYOS NA BATA SA PANGASINAN, P.A.T.A.Y MATAPOS MAHULOG SA PUNO NG CAIMITO!
Hindi na matutupad ang pangarap na maging pulis ng 9-taong gulang na batang si Dan Justin Clave matapos itong mahulog sa inakyat na puno ng caimito sa Barangay San Nicolas, Anda, Pangasinan.
Dinala pa sa ospital ang biktima pero namatay rin ito kalaunan. Ayon sa ina ng biktima, nagtamo ng matinding sugat sa ulo si Dan Justin at bali ang kanyang katawan.
Ilang metro lang daw ang taas ng puno pero may mga bato umano kung saan siya bumagsak. Nasa trabaho ang mga magulang ni Dan Justin nang mangyari ang insidente. Nagkayayaan umano ang biktima at kanyang pinsang kalaro na kunin ang bunga ng puno ng caimito. Hindi naman daw akalain na ganito ang sasapitin ng biktima.
Nangangailangan ng tulong ang pamilya ng biktima, malaki pa raw ang balanse nila sa ospital.

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *