14-ANYOS NA SIKLISTA, P.A.T.A.Y MATAPOS SUMEMPLANG AT MAHULOG SA BANGIN!
August 23, 2023
SA MGA SIKLISTA, LAGING MAG-INGAT!

14-ANYOS NA SIKLISTA, P.A.T.A.Y MATAPOS SUMEMPLANG AT MAHULOG SA BANGIN!

P.a.t.a.y ang 14-anyos na siklista na si Justin Rein Garcia matapos sumemplang at mahulog sa bangin na tinatayang sampung metro ang lalim. Tumagal pa umano ng 30 minuto ang biktima sa bangin bago nalamang naaksidente ito.



Napuruhan umano ang ulo ng biktima na dahilan ng kanyang pagkamatay. Ayon sa kaanak ng biktima, iniwasan umano ng biktima ang batang nagba-bike na napunta sa kanyang linya kaya siya sumemplang at nahulog sa bangin. Labis ang paghihinagpis ng pamilya dahil masipag at mapagmahal si Justin Rein. Nangyari ito sa Laur, Nueva Ecija. Via|Lilybeth Garcia