19-ANYOS NA NAGBI-BISIKLETA, P.A.T.A.Y SA HIT AND RUN!
August 23, 2023
19-ANYOS NA NAGBI-BISIKLETA, P.A.T.A.Y SA HIT AND RUN!

Nakuhanan pa ng CCTV Camera ang pagsalpok ng kotse sa bisikleta na minamaneho ng biktima sa intersection. Patay matapos tumilapon at dahil sa matinding sugat sa katawan ang 19-anyos na estudyante na si Mark Joseph Crisostomo na sakay ng bisikleta.

Imbes na huminto at tulungan si Mark Jospeh, mabilis na tumakas ang driver ng kotse. Hirap matukoy at matunton ang driver ng kotse dahil malabo ang kuha ng CCTV at hindi nakunan ang plate number.

Nanawagan ang pamilya ng biktima na sumuko na lang ang driver ng kotse para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Mark Joseph. Nangyari ito Quezon City.