SIYA ANG BATANG NAWALA SA PANGASINAN 24 YEARS AGO.

SIYA ANG BATANG NAWALA SA PANGASINAN 24 YEARS AGO.
Hi! Ako po ay kilala sa pangalang Jadelhyn Dar Calixterio, pero hindi ko po yon tunay na pangalan. (Binigay lang po’ng pangalan ko yon ng mga kumupkop sakin, hindi ko po alam ang tunay kong pangalan)
24 years na po akong nawawala. Ayon sa mga kinalakhan kong magulang, ako raw po’y napulot nila sa Pangasinan noong taong 1997-1998. Hindi na kasi nila matandaan ang eksaktong lugar at araw kung saan at kailan po nila ako nakita.
Noong nawala raw po ako, siguro isang taong gulang na daw po ako noong mga panahong iyon. Nawa’y matulungan po ninyo akong mahanap ang aking tunay na mga magulang sa pamamagitan ng pagbibigay impormasyon kung may alam kayo o di kaya’y pagshare ng post ko po. Maraming salamat po!

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *