13-ANYOS NA BABAE, KINUHA SA BAHAY, GINAHASA AT P.I.N.A.T.A.Y?
August 24, 2023
13-ANYOS NA BABAE, KINUHA SA BAHAY, GINAHASA AT P.I.N.A.T.A.Y?

Patay na nang matagpuan ang 13-anyos na estudyanteng si Glaiza Saguiped na tinangay umano sa loob ng kanilang bahay.

Kwento ng kaanak ng biktima, April 14… Mag-isa ng biktima sa bahay, nakiburol daw kasi ang kanyang ama sa kanilang kaanak. Kinaumagahan, wala na sa loob ng bahay si Glaiza. Hinala ng mga kaanak, pinasok ang kanilang bahay at tinangay ang biktima. Dalawang linggo ring pinaghahanap ang biktima.



Hanggang matagpuan na lang na naagnas ang kanyang bangkay sa isang sapa sa kanilang barangay. Ginahasa pa umano bago patayin at itapon sa sapa ang biktima. Hustisya ang sigaw ng mga kaanak. Sa ngayon hindi pa tukoy kung sino ang nasa likod ng pagpaslang sa dalagita. Nangyari ito sa Madella.