TAYUG POLICE STATION, NASUNOG!
August 24, 2023
TAYUG POLICE STATION, NASUNOG!

Tinupok ng apoy ang ikatlong palapag ng Tayug Police Station sa Pangasinan. Mabilis ang naging pagkalat ng apoy. Tulong-tulong ang mga bumbero sa pagbomba ng tubig para maapula ang sunog.

Iniimbestigahan pa ng otoridad ang dahilan ng sunog. Swerteng walang nasaktan sa nangyaring sunog.