7-BUWANG GULANG NA SANGGOL SA PANGASINAN, P.A.T.A.Y DAHIL SA GASTROENTERITIS!
August 25, 2023
Paalala dapat laging malinis ang tubig na ginagamit sa pagtimpla ng gatas ng anak ninyo…

7-BUWANG GULANG NA SANGGOL SA PANGASINAN, P.A.T.A.Y DAHIL SA GASTROENTERITIS!

Hinda masisilayan pa ng inang si Algin Narnola ang mga ngiti sa labi ng kaniyang pitong buwang gulang na sanggol na si baby Gheon.
Nasawi ang sanggol sa sakit na Gastroenteritis sa Barangay Tebag, Mangaldan, Pangasinan. Linggo nang makaramdam ng pagsusuka at pagdudumi ang bata. Dinala pa siya sa ospital ngunit huli na umano dahil makalipas ang isang araw, tuluyan nang binawian ng buhay ang bata.

Base sa death certificate ng sanggol, nasawi sa Acute Gastroenteritis with severe dehydration ang bata.
Ang gastroenteritis ay nakukuha ay nakukuha sa paggamit ng tubig na kontaminado ng bacteria. Pwede rin itong makuha sa mga pagkain na na-expose sa marumi.

Narito ang mga sintomas ng gastroenteritis.
-Matubig na pagtatae
-Masamang pakiramdam sa tiyan at pagsusuka
-Lagnat at ginaw
-Pananakit ng tiyan
-May dugo sa dumi (sa mga malalang kaso)