ILANG NAKI-BIRTHDAY SA PANGASINAN, NALASON DAHIL SA KINAING SEAFOODS NA INORDER ONLINE.
August 25, 2023
ILANG NAKI-BIRTHDAY SA PANGASINAN, NALASON DAHIL SA KINAING SEAFOODS NA INORDER ONLINE.

Isinugod sa ospital ang 13-katao sa San Carlos City, Pangasinan matapos umanong makaranas ng matinding pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagtatae matapos kumain ng seafood.


Naki-birthday umano ang biktima at kumain ng seafoods na nasa bilao. Ang ilan sa mga naki-birthday, sumakit din ang tiyan pero hindi nagpa-ospital.

Ayon sa may birthday mula sa Barangay Bacnar, inorder niya online ang lutong seafoods. Galing sa Mapandan ang inorder na seafoods.

Sa imbestigasyon ng online seller,inaming hindi fresh ang crabs na ibinigay sa kanya ng kanyang supplier.
| Contributed Photos
