MAG-IINA SA PANGASINAN, P.I.N.A.T.A.Y NG PINSANG HINDI PINAUTANG!

MAG-IINA SA PANGASINAN, P.I.N.A.T.A.Y NG PINSANG HINDI PINAUTANG!
Brutal ang naging kamatayan ng mag-iina sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Lagasit, San Quintin, Pangasinan. Mahigit 10 na saksak sa katawan ang tinamo ng inang si Crystalene Lichauco Ogaco, 36-anyos. Patay rin ang dalawa niyang anak na edad 3 at 4.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, si Dexter Lichauco ang suspek sa krimen, mismong pinsan ng mga biktima. Dati na raw may hinanakit si Dexter sa biktima matapos itong hindi pautangin ng pera.
Binato umano ni Dexter ang bahay ng mga biktima pero nakuhanan ito ng CCTV Camera. Pumasok ang suspek sa bahay para i-delete ang CCTV footage pero nadatnan siya ng mga biktima kaya nagkaroon ng gulo hanggang sa napatay ni Dexter ang tatlo.

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *