26-ANYOS NA LALAKI, P.A.T.A.Y MATAPOS MALUNOD SA SAN FABIAN BEACH!
August 26, 2023
26-ANYOS NA LALAKI, P.A.T.A.Y MATAPOS MALUNOD SA SAN FABIAN BEACH!

Ang masayang bonding ng mag-anak, napalitan ng delubyo matapos masawi ang 26-anyos na si Zoren Villena matapos malunod habang naliligo sa San Fabian beach sa Pangasinan. Sinubukan pang i-revive ang biktima pero namatay rin siya.

Ang biktima ay taga-La Union, dumayo lang siya sa San Fabian para maligo.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, naliligo ang biktima nang mapunta siya sa malalim na bahagi ng dagat. Pero ayon sa ilang saksi, sinubukan umano ni Villena na iligtas sa pagkakalunod ang isang bata sa dagat.
Pero siya ang tuluyang nilamon ng dagat. Pinag-iingat ng pulisya ang mga beachgoer na mag-ingat. Iwasang maligo ng nakainom at bantayan lagi ang mga bata.