MAG-KASINTAHAN, P.A.T.A.Y MATAPOS MAAKSIDENTE SA MOTOR!
August 26, 2023
MAG-KASINTAHAN, P.A.T.A.Y MATAPOS MAAKSIDENTE SA MOTOR!

Magkasama hanggang sa kamatayan ang magkasintahan na si Lord Reyes at Hena Lorie Rosario matapos silang maaksidente habang sakay ng motorsiklo.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, natumba ang sinasakyang motor ng mga biktima. Sa lakas ng impact, natanggal umano ang suot nilang helmet at nagtamo ng grabeng sugat sa katawan na naging dahilan ng kanilang kamatayan.

Natumba umano ang motorsiklo matapos mawalan ng kontrol si Lord nang mahulog ang bag na nasa harapan ng motor. Labis-labis ang pagdadalamhati ng mga kaanak ng biktima. Nangyari ito sa Batac City.