MAG-PINSAN NA BATA, P.A.T.A.Y MATAPOS MALUNOD SA LINGAYEN BEACH!
August 26, 2023
MAG-PINSAN NA BATA, P.A.T.A.Y MATAPOS MALUNOD SA LINGAYEN BEACH!

Nagkayayaan na maligo ang magpinsan na si Jamby Meneses, 12-anyos at Kathlyn Joyce Malicdem, 14-anyos para naman masubukan ang mag-swimming sa dagat na sakop ng Barangay Libsong West, Lingayen, Pangasinan.


Kasama nila ang isa nilang kaibigan na si Mark Lawrence Santiago, 13-anyos.



Pero habang naliligo, napunta umano sila sa malalim na bahagi ng dagat. Hindi raw marunonh lumangoy ang mag-pinsan kaya hindi na nilang nagawang makaahon at makapunta sa pampang.

Sinubukan naman na dalhin sa ospital ang dalawang biktima pero namatay rin agad sila. Patuloy ang paalala sa mga naliligo sa dagat na mag-ingat sa malakas na pwersa ng alon.