B.A.N.G.K.A.Y NG LOLO SA PANGASINAN, NATAGPUAN KATABI ANG 600,000 PESOS NA PERA!

B.A.N.G.K.A.Y NG LOLO SA PANGASINAN, NATAGPUAN KATABI ANG 600,000 PESOS NA PERA!
Naaagnas na nang matagpuan ang bangkay ng isang 101-anyos na lolo sa loob ng kaniyang bahay sa Dagupan City. Malapit sa bangkay, nakita ang tumpok ng mga dolyares na nagkakahalaga ng P600,000.
Kiinilala ang nasawi na si Luis Chua, residente ng Barangay Pantal.
Nadiskubre lang ang bangkay nang magtungo sa bahay ang kaniyang labandera. Nakita malapit sa bangkay ni Chua ang kumpol ng mga dolyar na ang ilang piraso ay pinagpunit-punit na.
Ayon sa pulisya, ulyanin na umano si Chua at pinaniniwalaan na siya mismo ang pumunit sa ilang piraso ng dolyar. Wala namang nakikitang foul play sa pagkamatay ng matanda.

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *