BIYAHE NG ISANG PAMILYA NGAYONG HOLY WEEK, NAUWI SA BANGUNGOT!

BIYAHE NG ISANG PAMILYA NGAYONG HOLY WEEK, NAUWI SA BANGUNGOT!
Nauwi sa malagim na trahedya ang biyahe ng isang pamilya para sana gunitain ang holy week.
1 ang patay habang pitong miyembro ng pamilya pa ang sugatan matapos sumalpok ang sinasakyan nilang kotse sa konkretong poste.
Matinding sugat sa katawan ang tinamo ni Sancho Shavez Tan na nakasakay sa passenger seat. Dinala pa siya sa ospital pero ideneklara siyang dead on arrival. Lima sa pitong sugatan ay mga bata na edad 1 hanggang 11.
Magbabakasyon sana ang pamilya sa Laoag City ngayong holy week. Bumiyahe sila mula sa Isabela. | BFP/Pasuquin

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *