AMA SA PANGASINAN, P.I.N.A.T.A.Y SA TABI NG KANYANG ANAK!
August 28, 2023
AMA SA PANGASINAN, P.I.N.A.T.A.Y SA TABI NG KANYANG ANAK!

P.a.t.a.y ang 54 anyos na si Rufino Dela Cruz matapos pagbabarilin ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo sa Barangay Colisao, San Fabian, Pangasinan.

Tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng biktima. Dinala pa sa ospital ang biktima ngunit idineklara na siyang dead on arrival.

Ayon sa pulisya, ihahatid sana ng anak ang biktima sa kaniyang trabaho sakay ng motorsiklo nang biglang pinahinto sila ng mga suspek.

Paglingon ng anak, nakatutok na raw ang baril sa ulo ng kanyang ama. pagputok ng ama, agad itinumba ng anak ang motor at mabilis na tumakbo para hindi madamay. Naaresto ng mga pulis ang isa sa mga suspek. Hindi pa malinaw ang motibo sa krimen.