BONDING NG MAGKAKAMAG-ANAK SA PANGASINAN, NAUWI SA TRAHEDYA.
August 28, 2023
BONDING NG MAGKAKAMAG-ANAK SA PANGASINAN, NAUWI SA TRAHEDYA.

Nauwi sa trahedya ang bonding ng magkakamag-anak matapos mahulog sa ginagawang tulay ang sinasakyan nilang pick-up sa Barangay Poblacion, Binalonan, Pangasinan.

Galing sa isang resort sa San Fabian ang mga biktima para sa kanilang reunion at pauwi na sana sa San Quintin nang mangyari ang disgrasiya.

Patay ang 51-anyos na si Rodrigo Merin na sumakay sa likod ng pick-up. Nakuhanan ng video ang paglabas ng ilan pang pasahero mula sa nahulog na pick-up. Sugatan ang ilang pasahero kabilang ang mga bata. Ayon sa pulisya, nawalan ng kontrol ang driver ng pick-up.

“Dahil sa kalasingan, diniretso ng driver ‘yung harang doon sa bridge at nahulog nga sila doon sa gitna ng ginagawang tulay. Nakainom nga ‘yung driver dahil galing nga sila sa beach. Nag-outing sila sa San Fabian.” Pahayag ni PMAJ. Aurelio Manantan ng Binalonan Police.