LALAKI SA PANGASINAN, P.A.T.A.Y MATAPOS UMANONG MA-HEAT STROKE DAHIL SA MATINDING INIT?

LALAKI SA PANGASINAN, P.A.T.A.Y MATAPOS UMANONG MA-HEAT STROKE DAHIL SA MATINDING INIT?
Natagpuang nakahandusay at wala ng buhay sa loob ng pinapasukang construction site ang construction worker na si Ronald Baracas, 41-anyos sa Barangay Pantal, Dagupan City.
Bago pa raw makitang patay ang biktima, iniinda nito ang pananakit ng ulo dahil umano sa matinding init. Ayon sa pulisya, posibleng heat stroke ang sanhi ng pagkamatay ni Baracas. Iniuwi na sa kanilang bahay sa Sual Pangasinan ang mga labi ng biktima.
Ayon sa mga kasamahan sa trabaho ng biktima, may iniinom rin umanong gamot si Bacaras dahil sa pananakit ng katawan bukod pa sa laging reklamo ang matinding init.
Abiso nila sa publiko na iwasang umabas ng bahay sa pagitan ng 9AM-4PM. Kung hindi naman maiwasan, magdala ng pananggalang sa araw.

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *