MAG-INA NA NASA TINDAHAN, PATAY MATAPOS MASALPOK NG SUV
August 29, 2023
MAG-INA NA NASA TINDAHAN, PATAY MATAPOS MASALPOK NG SUV

Karga-karga ng 39-anyos na ina ang kanyang anim na buwang gulang na anak habang sila’y nakaupo sa loob ng tindahan o sari-sari store. Pero patay na ngayon ang mag-ina matapos silang masalpok ng isang SUV na dire-diretso sa tindahan.

Matinding sugat sa katawan ang tinamo ng mag-ina na dahilan ng kanilang pagkamatay. Ayon sa imbestigasyon, sinubukan ng driver ng SUV na mag-overtake pero bigla na lang itong lumiko.

Imbes na preno, pero accelerator ang naapakan ng driver mg SUV kaya dire-diretso ito sa tindahan sa gilid ng kalsada. Sinubukan pang isugod sa ospital ang mag-ina pero idineklara silang dead on arrival.
Mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide, multiple physical injuries, at damage to property ang driver ng SUV. Nangyari ito sa Tabuk City. | Bombo Radyo