GRADE-7 STUDENT NA NAMITAS NG MANGGA, P.A.T.A.Y MATAPOS MAKURYENTE

Grabe ang sinapit ng batang ito. Nakakalungkot
GRADE-7 STUDENT NA NAMITAS NG MANGGA, P.A.T.A.Y MATAPOS MAKURYENTE
Lumambitin sa kable ng kuryente ang katawan ng 13-anyos na grade 7 student na si Jhoemar Baranda matapos makuryente. Sinubukan pang itakbo sa ospital ang bata pero hindi na siya umabot.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, matapos maligo ay umakyat umano ang biktima sa bubong ng Barangay health center para mamitas ng mangga. Pero nahawakan ng bata ang live wire kaya siya nakuryente.
Labis na naghihinagpis ang pamilya ng biktima. Hindi nila akalain na aakyat umano ng bubong ang bata para mamitas ng mangga.
Nanawagan ng tulong ang pamilya para mailibing ng maayos ang biktima. Construction worker ang ama ng bata habang wala namang trabaho ang ina. Nangyari ito sa Barangay Turod, Supiden, La Union.

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *