DRIVER AT 3 PASAHERO NG JEEP NA GALING SA BIRTHDAY, P.A.T.A.Y MATAPOS SUMALPOK SA TRUCK!
August 28, 2023
DRIVER AT 3 PASAHERO NG JEEP NA GALING SA BIRTHDAY, P.A.T.A.Y MATAPOS SUMALPOK SA TRUCK!

Dead on the spot ang driver at dalawang pasahero kabilang ang isang pitong taong gulang na bata matapos sumalpo ang sinasakyang jeepney sa isang truck. Sa ospital naman namatay ang isa pang pasahero.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, pauwi na ang mga biktima sakay ng jeep. Galing sila sa isang birthday party. Nawalan umano ng kontrol sa manibela ang driver ng jeep kaya sumalpok sa concrete barrier saka napunta sa kabilang linya ng kalsada. Sakto naman na paparating ang truck kaya sumalpok ito.

Sa lakas ng salpukan, nagtamo ng matinding sugat sa katawan ang mga sakay na sanhi ng kanilang pagkamatay. Lima naman ang sugatan sa aksidente. Wala pang pag-uusap ang pamilya ng mga biktima kung pananagutin sa aksidente ang driver ng truck. Nangyari ito sa Tiaong, Quezon.