23-ANYOS NA LALAKING NAGLALARO NG BASKETBALL, P.A.T.A.Y MATAPOS SAKSAKIN!

23-ANYOS NA LALAKING NAGLALARO NG BASKETBALL, P.A.T.A.Y MATAPOS SAKSAKIN!
Nagdadalamhati ang isang pamilya sa pagkamatay ng 23-anyos na si Joshua Calanday na pinagsasaksak ng tatlong lalaki habang naglalaro ng basketball.
Napahandusay na lang umano sa basketball court ang biktima matapos siyang biglang undayan ng saksak sa tagiliran. Sinubukan pang itakbo sa ospital ang biktima pero hindi na rin umabot ng buhay.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, hindi kalaro ng biktima sa basketball ang tatlong suspek. Nanunuod lang umano ang mga suspek pero “masama ang tingin” nila sa biktima.
Mabilis umanong tumakas ang tatlo matapos ang krimen. 3rd year college student at may kursong Information Technologu si Joshua. Matayog daw ang pangarap niya para sa kanyang pamilya.
Kaya hustisya ang panawagan nila sa brutal na sinapit ng biktima. Nangyari ito Barangay San Francisco, San Antonio, Nueva Ecija.

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *