ILANG RESIDENTE, UMAAKYAT NG BAKOD PARA MAKADAAN MATAPOS PADERAN NG KAPITBAHAY ANG DAANAN NILA.
August 29, 2023
ILANG RESIDENTE, UMAAKYAT NG BAKOD PARA MAKADAAN MATAPOS PADERAN NG KAPITBAHAY ANG DAANAN NILA.

Nanghihingi po kami ng tulong para po may madaanan po kami. Ginawa po kaming mga baboy. Akyat bakod po kami para makalabas pasok po kami sa bahay namin.


Walang mga puso ang mga gumawa sa amin nito. IpinagpapasaDiyos na lang namin kayo.

Matulog po kayo ng mapayapa at mahimbing. Pashare na lang po Salamat. Sa Barangay San Nicolas, Villasis, Pangasinan ito.

(Sir Russel, humihingi po ako ng tulong. Yung aming bahay po binakuran na po ng tuluyan, wala na po kaming malabasan. Kailangan po namin tulong niyo para mapansin po kami. Salamat po.)